KUMPIYANSA si Filipino fighter Jimmy Yabo sa matikas na resulta sa pagsabak sa ONE: LIGHT OF A NATION sa Hunyo 30 sa Thuwunna Indoor Stadium sa Yangon, Myanmar.

Matapos ang masaklap na kabiguan sa huling sabak sa torneo, umaasa ang tinaguriang “The Silencer” na maipagmamalaki siya ng sambayanan.

ONE copy copy

Makakaharap ni Yabo si Brazilian Jiu-Jitsu ace Bruno Pucci sa undercard ng pemyaadong MMA Promotion sa Asya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nabigo ang 36-anyos na pambato ng Lapu-Lapu City sa huling dalawang laban kontra Singaporean sensation Benedict Ang via third-round stoppage noong Mayo 2016 at China’s Ma Jia Wen noong Agosto.

“It’s tough because my back is against the wall. But I keep myself optimistic as fight day approaches,” sambit ni Yabo.

“I am looking to make a statement. It’s my first fight in ONE Championship this year. A big win will spark a strong momentum in my journey in this great organization.”

Nakilala si Yabo sa impresibong pamamaraan para manalo. Naitala niya ang limang knockout sa featherweight division para manguna sa talaan na may malaking porsiyentong panalo.

Aniya, nais niyang maulit ang naipanalo niyang “Knockout of the Year” kontra Pakistan’s Bashir Ahmad.

Naitala ni Yabo, beterano sa local mixed arts martial scene, ang TKO kontra Ahmad sa loob lamang ng 21 segundo.

“One punch or one takedown can change a fight. I have to be the clear winner. I am prepared for this fight, but I need to execute my game plan suitably on fight night to go home with the win,” aniya.

“A win will put me on the right track. That’s why I want to get this one. I know it will not come easy. Although I am the veteran in this fight, I don’t want to be complacent. I will just do my best against Bruno Pucci.”