MASASAKSIHAN ang aksiyon ng premyadong collegiate league sa bansa sa mismong eskwelahan.

Matapos ang mahabang panahong pagpaplano, inaprubahan ng NCAA Management Committee (Mancom) na dalhin ang mga laro ng Season 93 sa sariling mga tahanan.

Magtutuos ang Season host San Sebastian at Arellano University sa junior at seniors division sa Arellano gymnasium sa Legarda, Manila sa Hulyo 13.

Ayon kay NCAA Management Committee chair Fr. Glyn Ortega, OAR, ng San Sebastian, ang "NCAA on Tour" ay gaganapin tuwing Huwebes at gaganapin din sa Mapua Gym sa Hulyo 20, San Sebastian-Cavite sa Hulyo 27, Letran Gym sa Aug. 3, Emilio Aguinaldo Gym sa Aug. 10 at Perpetual Help Gym sa Aug. 17.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May lalaruin namang junior games sa Letran Gym sa Hulyo 9 sa pagitan ng San Sebastian at last year's runner-up San Beda ganap na 1:00 ng hapon at defending champion Mapua kontra Arellano sa 3:00 ng hapon.

Magbubukas ang season sa Hulyo 8 na tatampukan nang duwelo sa pagitan ng reigning seniors titlist San Beda kontra San Sebastian ganap na 2:00 ng hapon at Mapua kontra Arellano U sa 4:00 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang tatlong laro sa seniors games tuwing Martes at Biyernes na gaganapin sa Filoil Flying V Centre.

"The idea is to reignite the student's passion for the NCAA by bringing the games straight to them," sambit ni Ortega. "Also, it will be part of our celebration of our 100th year anniversary a few years from now."

Bukod dito, ilulunsad din ng pinakamatandang collegiate league sa bansa ang 3x3 basketball at futsal bilang special event sa second semester.

Kapwa sumisikat sa international community ang dalawang sports na miniature version ng basketball at football.