aldrige copy copy

SAN ANTONIO, Texas (AP) – Napipintong maghiwalay ang landas ang San Antonio Spurs at forward LaMarcus Aldridge.

Mainit ang isyu sa pakikipag-usap ng San Antonio management sa tatlong koponan para i-trade si Aldridge kapalit ng top-10 pick sa isinagawang NBA Draft nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Ayon sa source na may direktang kinalaman sa usapin kay ESPN’s Ramona Shelburne, nais ng Spurs ang bagong direksyon para sa mga batang player kung kaya’t inilagay nila ang 6-foot-10 sa trading block. Tangan ng Spurs ang ika-29 at 59th pick sa 2017 NBA Drafting.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakakontrata pa si Aldridge sa Spurs sa nilagdaang US$85 milyon sa loob ng apat na taon noong 2015 na may kaakibat na player option sa 2017-18 season.

Ayon sa source, dismayado ang Spurs sa kampanya ni Aldridge sa West Finals kontra sa Golden State Warriors kung saan nawalis ang Spurs. Naitala niya ang averaged 11.3 puntos mula sa 38.5% shooting at 5.3 rebound.

Kabilang sa option ng Spurs, ayon sa Express-News na ibalik si Aldridge sa Portland, gayundin sa fourth pick ng Phoenix Suns.