Ni: Charina Clarisse L. Echaluce

Walang magaganap na back-to-back Miss Universe pageant hosting para sa Pilipinas, sinabi kahapon ng Department of Tourism (DoT).

Sa International Conference on Sustainable Tourism for Development, inihayag ni Tourism Secretary Wanda Corazon Teo na hindi sa Pilipinas idaraos ang Miss Universe 2017 pageant.

“No Miss Universe this year. Baka next year,” ani Teo.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Kamakailan lamang, naiulat na inalok ang Pilipinas na muling maging host ng susunod na Miss Universe pageant sa Nobyembre.

Gayunman, ipinaliwanag ng DoT na ito ay “too soon”, at magiging abala pa ang bansa sa pagho-host sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na gaganapin din sa Nobyembre.

Enero ng nakaraang taon nang gawin sa Pilipinas ang Miss Universe 2016 pageant, at kinoronahan si Miss Universe Iris Mittenaere bilang kahalili ng ating 2015 Miss Universe na si Pia Wutrzbach.