Ni Vanne Elaine P. Terrazola

Ang lahat ng public utility vehicle (PUV) na mayroong prangkisa ay maaari pang bumiyahe hanggang 2020 bago itapon ang mga karag-karag nang sasakyan para palitan ng moderno at hindi mapaminsala sa kalikasan.

Ito ang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade, sa roundtable interview sa Manila Bulletin integrated newsroom kahapon, at ito ang mandato ng Omnibus Franchising Guidelines (OFG), ang makasaysayang bahagi ng PUV Modernization Program ng Department of Transportation (DOTr), na nilagdaan niya nitong Lunes.

Sinabi ng kalihim na sinuspinde ng OFG ang renewal ng ng mga prangkisa upang tumalima ang operators at mga driver sa pagsunod sa kinakailangang mas ligtas, mas episyente at hindi mapaminsala sa kalikasan na public transport system, sa pamamagitan ng PUV units na gumagamit ng Euro-4 engine, elektrisidad o hybrid.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Department of Transportation Secretary Arthur Tugade gestures as he asnwers questions from the panel of editors and reporters during the Manila BUlletin Hot Seat round table discussion at the Manila Bulletin Integration office in Intramuros, Manila on Thursday. (JAY GANZON)
Department of Transportation Secretary Arthur Tugade gestures as he asnwers questions from the panel of editors and reporters during the Manila BUlletin Hot Seat round table discussion at the Manila Bulletin Integration office in Intramuros, Manila on Thursday. (JAY GANZON)

“All existing, updated, valid franchises shall remain effective for a maximum of three years from the effectivity of this order, or upon the approval of the new applications for the specific route determined by the LPTRPs (local public transport rationalization plans), whichever is earlier,” saad sa probisyon sa Department Order No. 2017-011, o ang Omnibus Guidelines on the Planning and Identification of Public Road Transportation Services and Franchise Issuance.

Bagamat tinanggal ng guidelines ang 13-taong moratorium sa aplikasyon ng bagong prangkisa, sinabi ni Tugade na mababalanse ng suspensiyon ang pagbasura sa mga lumang PUV unit at ang pagkuha ng mga makabagong sasakyan.

“We have to address our position as a regulating and an enforcing agency of public transport… Kung titingnan mo ‘yan, ironic. Pero tandaan natin na ang pag-iisyu ng franchise ay iba’t ibang panahon, iba’t ibang petsa. Kailangang mag-strike ka diyan ng semblance of harmony and balance. ‘Yun ang nabigtas namin na panahon na three years. Na habang sinuspend mo ng three years, pero at certain point, magtatagpu-tagpo din ho ‘yan,” sabi niya sa MB editors at reporters.

Ang three-year ultimatum ay makakasabay sa transition period ng PUV Modernization Program.

PALITAN ANG MGA LUMANG JEEP

Sinabi ni Tugade na ang mga operator at driver, lalo na ng mga jeepney, sa loob ng tatlong taon ay makakapaghanda sa pagpapalit sa mga lumang sasakyan na 15 taon o higit pang namamasada, at iyong sumusunod sa national and international safety and environment standards, kabilang na ang paglalagay ng speed limiters, closed-circuit television (CCTV) cameras, global navigation satellite system, at WiFi.

“Kung ako lang masusunod, ‘yung mga vehicle na mape-phase out, hindi mape-phase out as vehicles. Alam mo kung bakit?

Kasi lilipat lang ‘yan sa ibang mga lugar, eh. Kailangang bakalin mo na. Bakalin mo na para ‘yung iniiwasan nating problema, hindi na malilipat sa ibang lugar… Nakikiusap po kami na dapat bakalin na,” sa ni Tugade.

PAUTANG SA TSUPER

Umaabot sa 200,000 units o 50% ng kabuuang 400,000 rehistradong PUV sa bansa ay jeepney. Karamihan sa mga ito ay inaasahang maaapektuhan ng modernization program dahil ang mga ito ay pawang lampas na sa 15 taon.

Nagpahayag si Tugade na mayroong financing schemes na maaaring makatulong sa mga operator at mga driver na bibili ng mga bagong sasakyan na nagkakahalaga ng P1 milyon hanggang P1.2 milyon, at maaaring bayaran sa loob ng pitong taon na may equity na limang porsiyento at interest rate na anim na porsiyento.

Inihayag din ng DOTr officials kahapon na ang mga operator at mga driver ay maaari nang mag-apply ng loan sa Land Bank of the Philippines na naglaan ng inisyal na P1 bilyon para sa 650 units.

Sinabi ni Assistant Secretary Marc de Leon sa MB na mag-aalok din ng loans ang Development Bank of the Philippines para sa mga operator at driver na maaapektuhan.