BIRMINGHAM, England (AP) — Naitala ni two-time Wimbledon champion Petra Kvitova ang pinakamatikas na kampanya sa pagbabalik-aksiyon matapos masugatan sa kamay ng magnanakaw nang makausad sa quarterfinals ng Aegon Classic, pampaganang torneo bago ang Wimbledon.
Kumana ang kaliweteng Czech star ng 25 winner tampok ang 11 unforced errors tungo sa dominanteng 6-2, 6-2 panalo kontra wild card Naomi Broady ng Britain nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).
"I have a little bit different view for tennis right now and for matches," sambit ni Kvitova. "When I'm playing, I'm just a little bit more relaxed, I think, and I'm not as nervous as I was before."
"I am trying to find my best each time I play. I am here to play tennis and on the grass that I love. My tournament isn't finished yet, for which I am really glad,” aniya.
Sunod na makakaharap ni Kvitova ang mananalo sa pagitan nina Kristina Mladenovic, ang fifth-seeded French player na sumira sa diskarte ni Garbine Muguruza sa French Open, at 31st-ranked Chinese Shuai Zhang.
Nasilat naman si Barbora Strycova, ang eighth-seeded Czech at dalawang ulit naging runner-up dito, ng 21-anyos na si Ashleign Barty, 6-3, 3-6, 6-1.