TINULDUKAN ng San Miguel Davao Aguilas ang winning run ng Meralco Manila sa Philippines Football League (PFL) nang maipuwersa ang 2-2 draw sa maaksiyong duwelo na sinaksihan ng mahigit 4,000 crowd nitong Miyerkules sa Davao del Norte Sports Complex sa Tagum City.
Naiskor ni Dylan de Bruycker ang panablang goal mula sa pasa ni Gilmar Fernandez sa ika-74 minuto para hiyain ang Meralco sa harap nang nagbubunying home crowd.
Kapwa may pagkakataon ang magkabilang panig na maipanalo ang laro, ngunit parehong sumablay ang kanilang pagtatangka sa goal.
Nangangamoy panalo na ang Meralco nang makaiskor si Tahj Minniecon bago nakadale si Phil Younghusband.
“There’s no question, it’s a massive confidence boost for the team. I think the bigger picture is for us is, we grew as a team, we got back into the game and we showed a lot of spirit. And from day 1 I’ve said, we will be competitive, and that’s what we proved today. It is great to have so many supporters here, it is great to be back home. We believe in this team, we believe in this club. I’m very proud of the effort, and collectively as a group, we are all very proud and we certainly take it as a win,” pahayag ni Australian coach Gary Phillips.
Sunod na lalaro ang Davao Agilas kontra Ilocos United Football sa Hunyo 25 ganap na 4:00 ng hapon. Sa kanilang unang paghaharap ngayong season sa Vigan, Ilocos Norte, nagtabla ang laban sa 1-1.
Sa Hunyo 28, haharapin ng San Miguel Davao Aguilas FC ang dating UFL champion Global Cebu FC. Ito ang unang pagtatagpo ng dalawang pamosong koponan.