Ni REGGEE BONOAN

DUMALAW si Coco Martin sa puntod ni Fernando Poe, Jr. sa Manila North Cemetery kahapon ng umaga para magpasalamat at humingi ng gabay at basbas sa unang araw ng shooting niya ng Ang Panday kahapon din.

Ang pelikulang Ang Panday ang unang directorial job ni Coco na siya rin ang bida at nakatakdang ilahok sa 2017 Metro Manila Film Festival mula sa sariling produksiyon ng aktor.

COCO copy copy

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ang caption sa post sa kanyang Instagram account ng litrato kasama ang buong production staff, “Masayang sinimulan [email protected] ang first taping day ng#AngPanday2017 kasama ang kanyang Production Team na sila Ferdie Lapuz at Malou Crisologo (supervising producers), Allan Chaliongco (assistant director), Nancy Arcega (production designer), Elmer Cruz (location manager), Ricky de Guzman (assistant location manager), Kristofer Celis at Aikah Agnote (production assistants) at Isha Germentil (executive assistant).”

Natupad na sa wakas ang matagal nang pangarap ng bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na makapagdirek pagkalipas ng sampung taon.

Tinanong namin ang manager ni Coco na si Biboy Arboleda kung ano ang nag-udyok sa aktor para magdirek considering na napakahirap ng trabahong ito bukod sa siya pa ang producer at bida nga ng pelikula.

“Has always been his dream since his days in indie filmmaking. Sa indie kasi, skeletal production staff due to budget, so actors like him can be location managers, production designers, continuity scriptwriters, assistant directors and beyond. Very good training.

“And the last 10 years in mainstream TV and also in commercial movies ay hindi lang siya naga-act but he also observes and gets his hands dirty and nagpapaka-hands on siya and now he feels he can challenge himself mag-directorial debut na for a mainstream film,” kuwento ni Biboy kahapon.

Natutuwa kami para kay Coco ngayong isa na siyang direktor at nakatitiyak kami na marami ang mga artistang mabibigyan niya trabaho lalo na ang hindi aktibo ngayon sa showbiz tulad ng ginagawa niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Kung nabubuhay lang siguro si Da King ay matutuwa rin ito na may nagpapatuloy sa mga nasimulan niya sa industriya, mula sa pagtulong sa mga nangangailangan at pagbibigay ng magandang ehemplo sa lahat.

Mukha ngang tinutularan ni Coco ang estilo ni Da King, hindi mahilig sa intriga at kung magkaroon man ay hindi niya kagagawan para lang pag-usapan. Sa katunayan, ayaw na ayaw niyang naiinterbyu kapag intriga lang naman ang isyu at lalo na sa personal niyang buhay.

Kung may isyu man na kinasasangkutan niya sa trabaho ay saka lang siya sumasagot para klaruhin lalo na kung makakaapekto na sa kanya o sa programa, pero kung wala naman, susme, masuwerte na kung mahagilap siya.

Hindi rin siya mahilig magpo-post sa social media account niya ng kung anu-ano para pag-usapan maliban sa promo ng show o pelikulang ipino-promote niya.

Kasi naman, confident si Coco sa sarili at kuntento sa buhay.

Kaya naman all ages at all sexes ang humahanga at sumusuporta kay Coco lalo na bilang si Cardo Dalisay ng Ang Probinsyano.