NI: Bella Gamotea

Iniimbestigahan na ng Taguig City Police ang motibo sa pagpatay sa retiradong tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kamakalawa.

Dead on the spot si Imelda Pagaduan y Rigor, alyas “Mel”, 48, ng Sto. Niño Street, Purok 6, Barangay Lower Bicutan, Taguig City, dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD) naganap ang pamamaril sa 194 MLQ Avenue, Purok 3, New Lower Bicutan, dakong 2:30 ng madaling araw.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Nakatayo ang biktima sa lugar nang biglang dumating ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na armado ng hindi batid na kalibre ng baril at ilang beses binaril si Pagaduan bago tumakas.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Office (SOCO) ng SPD, narekober sa pinangyarihan ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, gunting, lighter at improvised burner.

Si Pagaduan ay isa umanong kilabot na drug pusher sa Taguig at mga karatig lungsod, at kabilang din umano sa drug watch list ng kanilang barangay.