Ni: PNA

MAGSASAGAWA ang City Health Office ng Zamboanga ng malawakang paglilinis sa buong lungsod upang mapababa ang kaso ng dengue.

Ito ay dahil sa malaking porsiyento ng pagdami ng kaso ng dengue noong Abril at Mayo kumpara sa naitalang record sa parehong mga buwan noong nakaraang taon.

Inihayag ni Zamboanga City Health Officer Rodelin Agbulos na nakapagtala ang kanyang tanggapan ng 130 kaso noong Abril, at 188 kaso ng dengue noong Mayo ngayong taon.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang mga kaso ng dengue noong Abril at Mayo nang nakaraang taon ay 97 at 127, ayon sa pagkakasunod.

Nakapagtala rin umano ang tanggapan ni Agbulos ng limang kaso ng pagkamatay dahil sa dengue simula noong Enero ng taong ito.

Pinayuhan din niya ang mga residente na ipagpatuloy ang pagsasanay sa estratehiyang “4S” upang mabawasan ang mga kaso ng dengue sa Zamboanga City.

Ang estratehiyang 4S ay ang: Search and destroy, Self protection measures, Seek early consultation, at Say yes to fogging only when there is an impending outbreak.

“For the months of April and May [this year] it does not look good because we have an increase in the number of cases of dengue fever. If we will not do something about the prevention and control of dengue, we expect an outbreak coming in on July, August, or September,” saad ni Agbulos.

Dagdag pa niya, sampu sa 98 na barangay sa lungsod ay nakapagtala ng mataas na porsiyento ng kaso ng dengue. Ito ang mga sumusunod: San Roque, Tetuan, Talon-Talon, Pasonanca, Calarian, Sta. Maria, Mercedes, Putik, Tumaga, at Guiwan.

Ang dengue fever ay isang sakit na karaniwang nakakaapekto sa mga sanggol at mga bata. Ang mga lamok ng Aedes aegypti, na nangingitlog sa malinis at nakaimbak na tubig, ang sanhi ng pagkalat ng sakit.

Kabilang sa mga palatandaan at sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagsakit ng mga kasu-kasuan at kalamnan, mga pantal sa balat, pagdurugo ng ilong, pagsusuka ng likidong kulay kape, at pangingitim ng dumi.