LONDON (AP) — Maagang nasibak ang tatlong high-profiled player, kabilang si top-ranked Andy Murray, sa first round ng Queen’s – pampaganang torneo bago ang major Wimbledon – nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nagkalat ng todo si Murray sapat para maisahan ng 90th-ranked Jordan Thompson 7-6 (4), 6-2, at samahan sina major champion Stan Wawrinka at Milos Raonic pabalik sa kanilang hotel room.

Ito ang unang pagkakataon sa torneo na nalagas sa unang round ang unang tatlong seeded player.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Thompson, lumaro bilang kapalit ng na-injured na si Aljaz Bedene, matapos ang panalo laban kay Murray, ang defending at five-time champion sa torneo.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“Definitely the biggest win of my career,” pahayag ni Thompson.

“Yesterday, I was sitting around, hoping to be able to get a game. But there weren’t too many matches yesterday. I was always coming in, trying to sign in, and here I am in the draw. I’m so lucky,” aniya.

Ito ang unang kabiguan ni Murray sa Queen mula noong 2014, sapat para maputol ang 14-match winning run sa grass court mula noong 2015. Nakatakda ang Wimbledon sa Hulyo 3.

“It’s a big blow, for sure,” pahayag ni Murray. “It has happened in the past where guys haven’t done well here and gone on to do well at Wimbledon.

Nabigo naman ang second-seeded na si Wawrinka kay Feliciano Lopez 7-6 (5), 7-5, habang nadaig si Raonic ni No. 698-tanked Thanasi Kokkinakis, 7-6 (5), 7-6 (8).

“It’s a big frustration,” sambit ni Raonic. “Obviously it would have been a lot easier scheduling everything if I was to be here and have many more matches ahead of me.”

Si fourth-seeded Marin Cilic ang nalalabing top player sa field nang manaig kay John Isner 7-5, 6-3. Umusad din sa susunod na round sina American Sam Querrey at Stefan Kozlov, Frenchmen Julien Benneteau at Chardy, at Serbian player Viktor Troicki.,