‘DUMALO’ at nakisaya ang mga manonood sa buong bansa sa kasalan nina Anton (Ian Veneracion) at Andeng (Bea Alonzo) kaya pumalo ang naturang episode ng A Love to Last sa panibagong all-time high national TV rating nitong nakaraang Biyernes at naging top trending topic sa social media.

BEA AT IAN copy

Marami ang kinilig sa tinaguriang ‘wedding of a lifetime’ sa telebisyon kaya umakyat ang serye sa national TV rating na 24.3% mula sa pinagsamang urban at rural homes, kumpara sa 12.8% ng katapat na programa, ayon sa data ng Kantar Media.

Patok din ang kasalan sa netizens na nagpabaha ng mga komento kung paano sila na-touch at na-inspire ng naturang kasalan. Umani ito ng maraming papuri online kaya nag-trending sa Twitter ang official hashtag ng programa na #ALTLTheWedding.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Kudos to ALTL sa pagpapaalala sa amin ng halaga ng pamilya at ng pagpapanatili ng tradisyon. Ang programang ito ay para sa lahat. Marami kaming natututunan,” sabi ni @Leanna_Yzabelle.

Komento naman ni @conermata101, “TonDeng wedding is such a goal. Hindi talaga mahalaga ang edad.”

“The wedding is so realistic and heart felt. Grabe ang kilig full of love, hands up to all who made this episode,” saad ni @alovetolastfans.

Inabangan ngayong linggon ang karugtong ng kasalan at ang reception at honeymoon. Ngayong kasal na sina Anton at Andeng, anu-ano pa kayang pagsubok ang haharapin ng bagong mag-asawa?

Napapanood ang A Love to Last pagkatapos ng La Luna Sangre, sa Primetime Bida sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (Sky Channel 167). Ang mga nakaraang episodes ay napapanood sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.