LONDON (AP) — Binigyan ng wild card invitation ng Wimbledon sina dating semifinalist Tommy Haas, 2016 junior champion Denis Shapovalov at British women Laura Robson, Heather Watson at Naomi Broady.

Sa opisyal na pahayag ng All England Club nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila), 10 sa 16 player ay mabibigyan ng slot sa main draw.

Hindi kabilang si Marcus Willis sa nabigyan ng main-draw wild card, ngunit nabigyan siya ng imbitasyon para sa qualifying. Ang noo’y 772nd ranked teaching pro ang nakaharap ni Roger Federer sa second round ng nakalipas na Wimby.

Nasa ranked 387th na siya ngayon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nasa huling season ng tour, ang 39-anyos na si Haas ang humiya kay Federer sa grass-court tournament sa Stuttgart, Germany sa nakalipas na linggo. Umabot si Haas bilang No. 2 ranked noong 2002 at Wimbledon semifinalist noong 2009. Sa ngayon, ranked 252 si Haas.

Nabigyan din ng wild cards sina British players Brydan Klein, Cameron Norrie at James Ward, gayundin sina Katie Boulter ng Britain at Zarina Diyas ng Kazakhstan.