NANTES, France – Tumapos ang Gilas Pilipinas sa ika-11 puwesto sa katatapos na FIBA 3x3 World Cup na pinagwagihan ng Serbia (men’s division) at Russia (women’s side).

Nakamit ng Serbia ang ikatlong world title sa sports na kabilang na sa regular medal ng Olympics simula sa 2020 Tokyo Games.

Winalis ng Serbia ang pitong laro na sinagupa sa Parc des Chantiers. Ginapi ng Serbian ang The Netherlands , 21-18 , sa championship round.

Nanguna si sSharpshooter Dejan 'The Maestro' Majstorovic sa naiskor na game-high 11 puntos, habang kumana si Dusan Domovic Bulut ng walong puntos.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakopo naman ng host France ang bronze medala nang maungusan ang European champions Slovenia, 18-17.

Tinanghal na MVP si 'The Maestro'.

Sa women's category,tinapos din ng Russia ang torneo na malinis ang karta tampok ang 19-12 panalo sa Hungary sa Finals.

Nanguna sa Russian sina Anna Leshkovtseva at Anastasia Logunova na may tig-anim na puntos.

Nasungkit ng Ukraine ang bronze matapos gapiin ang The Netherlands, 15-13. Si Leshkovtseva ang naging MVP.

Matapos ang panalo sa Romania at El Salvador, hindi nakaporma ang Gilas sa iba pabng nakaribal sapat para sa ika-11 puwesto.

Sa kabila nito, ang Gilas na pinangunahan nina rising star Kobe Paras at Keifer Ravena, ang may pinakamataas na puwestong nakuha sa mga bansa na nagmula sa Asya at Southeast Asia.

Naungusan ng Gilas ang Indonesia (16th), South Korea (17th0 at Sri Lanka (20th).