Ni: Liezle Basa Iñigo

URBIZTONDO, Pangasinan - Patay kaagad ang isang biyuda matapos siyang barilin sa mismong compound ng kanyang bahay sa Barangay Bituag sa Urbiztondo, Pangasinan.

Kinilala ng Urbiztondo Police ang biktimang si Remedios Custodio Delos Santos, 62, ng Bgy. Bituag.

Dakong 10:20 ng umaga nitong Martes nang biglang lapitan at barilin si Delos Santos ng hindi nakilalang suspek, na kaagad tumakas.

Isang tama ng bala sa dibdib na naglagos sa likod ang ikinamatay ng biyuda.

Probinsya

‘EASY 10K!’ Mga tinuling 20-anyos pataas sa Cebu, binigyan ng cash incentive

Inaalam pa ang posibleng motibo sa pagpatay.