Ni: Marivic Awitan
DALAWANG bagong koponan -- Akari at Hapee Toothpaste -- ang lalahok sa Premier Volleyball League (PVL) na magbubukas ng Open Conference sa Hulyo 1 sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan .
Nakipagsanib ang Akari, isang top lighting at technology firm, sa Adamson habang ang Hapee ay binubuo ng mga manlalaro ng University of the Philippines sa kanilang paglahok sa pangunahing women’s volley league ng bansa.
Pangungunahan ni Jemma Galanza, dating naglaro sa Creamline, at si Adamson coach Airess Padda ang Akari habang sina Lady Maroons Issa Molde at Diane Carlos ay makakasama ni UP coach Jerry Yee sa kampo ng Hapee sa pagsabak nila kontra sa mga league mainstays na Pocari Sweat, Creamline, Air Force, Perlas, BaliPure at Power Smashers.
Nananatiling markadong koponan ang Pocari sa pamumuno nina Myla Pablo at Gyzelle Sy, sa pagpuntirya nila ng ika-pat na sunod na panalo.
Samantala, binawi naman ng liga ang naunang ibinigay na pahintulot sa mga players na may Alien Certificate of Residence (ACR) na makalaro.