Ni: Fer Taboy

Mapalad na walang namatay o nasugatan sa pagpapasabog ng granada ng umano’y dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Datu Salibo sa Maguindanao, nitong Lunes ng gabi.

Dalawang pagsabog ang narinig sa Datu Salibo Municipal Police sa Barangay Poblacion makaraang pasabugan ng dalawang granada.

Ayon kay Senior Supt. Agustin Tello, director ng Maguindanao Police Provincial Office (MPPO), dalawang hindi nakilalang suspek ang naghagis ng granada sa nasabing presinto sa Bgy. Poblacion.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Isa sa dalawang granada ang sumabog sa likurang bahagi ng police station.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan sa isang motorsiklo.

Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng matinding takot sa mga sibilyan.

Nauna rito, dalawang umano’y kasapi ng BIFF ang inaresto ng mga pulis sa pagbebenta umano ng droga, at nakapiit sa nasabing himpilan.