DATING pamilya at mga kaibigan lang ang nakakakilala, ngayon ay isa na sa biggest stars si Maine Mendoza.
“Sobrang bilis talaga ng mga nangyari sa amin ni Alden (Richards),” banggit niya sa other half ng Aldub, ang phenomenal love team na naghatid sa kanila sa stardom. “Lalo na po sa akin. Two years pa nga lang ako, ganito na, sunud-sunod.”
Sa loob ng dalawang taon, ang sumikat na Yaya Dub ay hindi pa rin nasasanay sa fame and fortune.
“Parang hindi ko pa rin ma-fathom kung ano ba ang meron. Bakit ako?” pag-anim ni Maine.
Hanggang ngayon, hindi pa rin niya alam kung ano ang nakita sa kanya ng mga tao para mahalin at pagkatiwalaan.
“Honestly, hindi ko po alam. Parang isang question sa akin ‘yun na hindi ko po masasagot.”
Pero ang lahat ng kanyang tagumpay, alam niyang utang niyang lahat sa kanyang di-mabilang na followers.
“Siguro po, dahil na rin ito sa mga sumusuporta sa amin ni Alden na very supportive sa mga ini-endorse namin. Kapag nakikita na may bago akong endorsements, talagang sinusuportahan.”
Isa sa mga katunayan nito ang kanyang partnership sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino, na top-selling at most loved tocino na ngayon sa Pilipinas.
“Quality alone, sobrang okay ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, iba rin po ‘yung feeling na nagiging part ka ng success nila, di ba?” may pagmamalaking sabi ng dalaga. “Nakakatuwa po kasi patuloy pa rin silang nagtitiwala sa akin. First year ko pa lang sa showbiz, nakuha na nila ‘ko. Hanggang ngayon. Parang isa siya sa mga unang endorsements ko at nagtiwala sa akin.”
Inamin ni Maine agad niyang naging paboritong ulam sa almusal ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino kaya walang naging problema nang kunin siyang endorser nito.
“Before po kasi, hindi ko lang alam kung anong brand ng tocino ang kinakain namin. Before, pansin ko lang, matigas and mahirap lutuin. ‘Yun ang napansin kong difference. Ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino, very soft and perfect yung sweetness. Hindi katulad nang kino-consume namin before, matigas at parang bubble gum na siya. Sobrang daling lutuin pa kasi no need to boil siya. Imagine kung sobrang buys mo, no need to worry na kung anong kakainin mo.”
Tulad ni Maine, marami na rin ang lumipat sa kanyang paborito sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil 100% na young pork at hindi inahing baboy ang karne nito.
‘Iba talaga ‘pag forever young’ ang kanyang latest campaign para sa CDO Funtastyk Young Tocino na naging palaisipan nang unang lumabas sa kanyang social media messages at billboards.
“Very unique ng concept. Parang ilo-launch nila na very mysterious sa tao. Kung ano nga ba ‘to, anong klaseng beauty product na bandang huli, malalaman nila na tocino pala, pagkain. I think, it’s very fresh for the consumers and for the viewers to see this kind of campaign,” ani Maine.
Tuluy-tuloy ang campaign dahil, “Parang sa lahat naman po ng bagay, di ba, once na reach mo ang top, siyempre po, mas gusto mo na i-maintain ang ranking.”
Pero realist din si Maine at alam niya na hindi forever ang showbiz.
“Kasi po, hindi ko naman pinangarap na mapunta sa ganitong posisyon. Kasi, akala po siguro ng iba, madali siya, very relaxed. Akala po siguro nila, puro glitz and glamour, walang paghihirap sa ganitong buhay. Siyempre, meron din pong downside ng pagiging artista.”