Ni: Leandro Alborote

MONCADA, Tarlac - Sinawimpalad na mamatay ang isang magsasaka matapos na tamaan ng kidlat sa Sitio Pag-asa sa Barangay Tubectubang, Moncada, Tarlac, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay PO1 Mark Santos, halos malapnos ang katawan ni Benjamin Abungan, 54, may asawa, ng nabanggit na barangay, dahil sa lakas ng kidlat na tumama rito.

Batay sa salaysay ng anak ng biktima na si Ernesto Abungan, nasa hustong gulang, nagtungo ang kanyang ama sa bukid para kunin ang ipinastol na baka nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na sinundan ng malalakas na kulog.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Habang nilalapitan ang baka ay biglang gumuhit ang malakas na kidlat na tumama sa magsasaka.