Ni: Leandro Alborote

SAN JOSE, Tarlac - Tuwiran nang binibigyan ngayon ng pansin ang pagsasampa ng internet libel sa korte para mabigyan ng kaukulang aral at disiplina ang mga sumisira sa reputasyon at karangalan ng kapwa.

Ito ay matapos na magreklamo ang isang 27-anyos na ginang, ng Barangay Lubigan, San Jose, na unang dumulog kay Rodrigo Ancheta, chairman ng Bgy. Villa Aglipay, San Jose, Tarlac.

Ayon sa ginang, sadya umanong libelous ang post sa Facebook ng isang nagngangalang Kristine, nasa hustong gulang, ng Villa Aglipay, na inakusahan siyang tagaaliw ng lalaki at iba pang paninirang puri.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!