Ni: Gilbert Espeña

KINANTIYAWAN ni four-division beltholder Adrien Broner na pinababa ni Top Rank big boss ang kalidad ng pagiging boksingero ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao nang pumayag ang promoter na ipalabas nang libre sa ESPN ang depensa ng Pinoy boxer kay No. 2 contender Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

“Pacquiao need me. Pacquiao, give me a call man,” sabi ni Broner sa CBS Sports. “Bob Arum, y’all need me. It’s not looking too good if y’all fighting back on ESPN man.”

Para kay Broner, kung magwawagi si Pacquiao laban kay Horn ay dapat siyang harapin ng Pinoy boxer para bumalik ang kinang nito sa pay-per-view hits.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Malaki ang tiwala ni Broner na magwawagi rin siya sa laban kay three-division world champion Mikey Garcia sa Hulyo 29 sa New York na ipalalabas ng Showtime sa pay per view.

“Yes, and I think after my great performance on July 29, I think that will spark the fuel with me and Pacquiao. And I think that we are going to make it happen,” dagdag ni Broner.