Ni: Reggee Bonoan

HINABOL namin sa iWantTV ang pilot episode ng La Luna Sangre nitong Lunes. Talagang naghanap kami ng restaurant na may wi-fi at bukas pa ng alas dose ng hatinggabi para mabilis ang koneksiyon.

Si Paulo Angeles ang unang bumungad sa screen na may kausap sa cellphone habang nagda-drive pauwi sa isang probinsiya na akala namin ay TVC muna, pero iyon na pala ang umpisa. Dahil may kausap, hindi niya napansin na may nabangga siyang tao na bigla na lang kumalabog.

Angel at John lloyd copy

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

Bumaba si Paulo para alamin kung ano ang nangyari sa taong nabangga niya pero hindi niya nakita at laking gulat niya dahil wasak ang kalye at nakita niya sa side mirror ng sasakyan niya ang isang bampira, sabay sakmal sa kanyang leeg.

Tiyak na natuwa ang loyalistang fans ni Wowie de Guzman dahil may importante siyang papel sa La Luna Sangre bilang isang opisyal ng gobyerno na pumunta sa opisina ng taong bampira at lobo para sabihing may kasamahan silang nagkakalat ng lagim na may koneksiyon na nga sa pagkawala ni Paulo.

Nagtaka ang mga bampirang sina Victor Neri, Ina Raymundo, Bryan Santos at ang lobong si Joross Gamboa at iba pa kung sino ang nanggugulo sa pananahimik nila.

Naaliw kami sa eksenang akala namin ay totoong kakagatin ng bampirang si Bryan ang mga bata dahil natatakot na pero biglang dumating si Joross at sinabing huwag matakot at bilang ganti ay kilitiin ang una.

Hindi malilito ang ngayon pa lang manonood ng La Luna Sangre dahil may back story si Direk Cathy Garcia-Molina simula sa Lobo nina Piolo Pascual (Noah) na normal na tao na nagkagusto sa isang lobo na ginampanan ni Angel (Lyka) hanggang sa naging Imortal na ginampanan naman nina John Lloyd Cruz bilang Mateo at si Angel ulit as Lia/Lyka.

Parehong makapangyarihan ang karakter nina Mateo at Lia sa Imortal bilang lobo at bampira na nagkagustuhan ang nagkaroon ng anak na babae sa La Luna Sangre na si Kathryn Bernardo bilang Malia.

Dahil maganda at tahimik na buhay nina Mateo at Lia sa probinsya kasama ang anak na si Malia, ayaw na nilang balikan pa ang nakaraan at gusto na nilang iwan ang kanilang pinagmulan.

Naging maganda rin ang pagtanggap sa kanila ng mga kababayan at nakatulong din sila sa mga kababayan nila para mapaunlad ang buhay.

Makulit at madaldal ang batang si Malia na walang ginawa kundi hanapin ang alagang asong si Puso kasama ang dalawang kaibigan na makukulit din kaya nakakatuwa ang banter nila.

Ikinalungkot nang husto ni Malia nang mamatay na ang alagang aso.

Dumalaw si Joross kina Mateo at Lia bilang lobo na hindi nakilala ng dalawa hanggang sa nagbalik-anyong tao at sinabi nitong kailangan nila ang tulong ng dalawa dahil may masamang plano ang grupo nina Victor Neri at Ina Raymundo.

Tumanggi sina Mateo at Lia dahil ayaw na nila ng magulong buhay at ang inaalala at pinagkakaabalahan na lang nila ay ang anak nila.

Samantala, pinuntahan din ni Victor sina Mateo at Lia pero hindi niya nakausap ang mga ito dahil bigla nang dumilim.

Sa mundo ng tao ay bibo ang gumanap na batang Tristan (Daniel Padilla paglaki) dahil maabilidad. Sa kagustuhang maibili ng maayos na walking stick o saklay ang amang si Romnick Sarmenta ay nanghuhuli siya ng mga gagamba at saka ibinibenta.

Dahil laging nawawala sa bahay ay parating ginugulpi ng ama si Tristan, bagay na sinasaway naman ng tiyahin nitong si Gelli de Belen.

Sa unang gabi ng La Luna Sangre, marami ang sinimulang kuwento na tiyak na aabangan ng televiewers, tulad ng grupo nina Victor, Ina, Joross, Bryan, kuwento nina Romnick at Tristan kung bakit ayaw na ayaw nitong nawawalay sa tabi ng anak lalo na sa pagdating ng blood moon, kuwento nina Mateo at Lia kung tuluyan na nga ba nilang iiwanan ang nakaraang buhay, kay Paulo na kinagat ng bampira at higit sa lahat ay ang pagsulpot ng pinakamapangyarihang bampira na si Richard Gutierrez bilang si Sandrino.

Pumalakpak kami habang nanonood ng La Luna Sangre sa ganda ng pilot episode. Iba ka talaga, Direk Cathy Garcia-Molina, pampelikula na naman ang atake mo.

Napakataas ng ratings ng pilot ng La Luna Sangre, 33.9% kumpara sa 13.8% ng My Love From The Star -- mahigit kalahati ang kalamangan.

At partida pa ‘yan, wala pa sina Daniel Padilla at Kathryn sa kuwento, eh, di lalo na kung lumaki na ang mga batang sina Malia at Tristan.

Wala na, may nanalo na kaagad sa ratings, pilot episode pa lang! Paano pa sa mga susunod na araw?