TARGET ng local skateboarding community na makapagtala ng Guinness World of Record bilang ‘largest skateboarding parade’ sa Hunyo 21.

DC skate copy

Bahagi ang programa sa taunang pagdiriwang ng ‘Go Skateboarding Day’ na isinasagawa ng International Association of Skateboarding para maipakilala ang extreme sports.

Tatangkain ng DC, pinakasikat na skateboard shoe brand, na makaenganyo ng 1,000 skateboarder upang daigin ang 498 na kalahok na sumabak sa Los Angeles, California noong 2011.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Inaanyayahan ang mga mahihilig sa skateboarding na lumahok via on-line registration at ang unang 1,000 makukuha ay pagkakalooban ng limited edition DC x Grind shirts, stickers at merchandise mula sa DC.

Ayon kay Bianca Tan, brand manager ng DC, tatanggapin din ang mga walk in participant, ngunit kailangan silang magparehistro ng maaga ganap na 10:00 ng umaga sa Quirino Grandstand. Hindi man sila kabilang sa record 1,000 skateboarders, makakasama naman sila sa skate parade. Ganap na 2:30 ng hapon, paparada ang mga skateboarders mula Quirino Grandstand hanggang Mountain Dew Skate Park sa Circuit Makati.

Magsisimula ang skateboard Core competition ganap na 4:00 ng hapon sa mga event na highest olllie, longest gap, best grind, at best skate trick video. Mahigit P50,000 ang naghihintay na premyo para sa magwawagi sa DC Invitational category at kabuuang P100,000 halaga ng DC products at gift certificates ang ibibigay sa iba pang sasabak sa programa.

Pinangunahan ng mga pamosong American DC Pro Skateboarders – Cyril Jackson, Chase Webb at Alex Lawton – ang paglulunsad ng ‘Go Skateboarding Day’. Magpapakitang-gilas din sila sa araw ng kompetisyon.