Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz

‘Wag matakaw sa kanin. Ito ang paalala ng Department of Agriculture (DA) sa publiko sa gitna ng isyu ng paghahain ng unlimited rice o “unli rice” sa mga kainan.

Pinaalalahanan ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ng DA ang publiko na magdahan-dahan sa kanin dahil ang labis na pagkain nito ay may masasama ring epekto sa katawan.

Binanggit ang isang pag-aaral sa Harvard School of Public Health, sinabi ng PhilRice na ang sobrang pagkain ng kanin ay maaaring makasama sa glucose metabolism at insulin production ng katawan na posibleng magresulta sa pagkakaroon ng diabetes.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Natuklasan din sa pag-aaral na ang carbohydrate content ng isang bowl ng kanin ay katumbas ng mahigit doble ng isang lata ng soft drink at ang isang plato ng white rice na kinakain araw-araw ay nagtataas ng panganib ng diabetes ng 11 porsiyento.

“That is the main reason why we are promoting brown or unpolished rice as it has lower glycemic index, which means that it takes longer before it is converted to blood sugar. It also has higher satiety so you tend to eat less. Those are the reasons why it is better for diabetics compared with white rice,” paliwanag ni PhilRice “Be Riceponsible” campaign director Myriam Layaoen.

Ito ang inisyatiba ng DA para maisulong ang responsableng pagkain ng kanin sa pagbabawas sa pagsasayang ng kanin sa kabahayan, at pagkain ng mas masustansiyang brown rice.

“We are tapping local governments to issue ordinances and resolutions that will support the advocacy. Meanwhile, we also talk to farmer groups to produce brown rice and sell it at reasonable price. We also partner with food establishments throughout the country to encourage their participation,” ani Layaoen.