Ni: Light A. Nolasco

LUPAO, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang 44-anyos na barangay treasurer matapos na arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng Lupao Police, Nueva Ecija Police Provincial Office-Provincial Intelligence Branch (NEPPO-PIB), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 sa Barangay Balbalungao sa Lupa nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Senior Insp. Rodney Godio, OIC ng Lupao Police, dakong 2:00 ng hapon nang isilbi ng kanilang grupo ang search warrant laban kay Rodelio Collado y Barbosa, 44, itinalagang treasurer ng Bgy. Balbalungao.

Nasamsam sa bahay ni Collado ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay