Ni: Mary Ann Santiago

Nakumpirma na ng Department of Health (DoH) ang sanhi ng pagkamatay ng 24 na internally displaced person (IDP) mula sa Marawi City.

Sa isang kalatas, sinabi ng DoH na ang nasawi ang nasabing evacuees dahil sa upper respiratory tract infection at gastrointestinal illnesses, gaya ng acute gastroenteritis.

Ayon sa DoH, dahil sa kasalukuyang kondisyon ng mga IDP, nalalantad sila sa mga sakit na may kinalaman sa respiratory, gastrointestinal at iba pang karamdaman na mabilis makahawa.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa kasalukuyan, aabot sa 2,351 katao ang nagpatingin sa iba’t ibang ospital sa Lanao del Sur at Lanao del Norte at sa bilang na ito, 368 ang nananatiling nasa mga pagamutan habang 1,362 naman ang binigyan ng outpatient treatment.

Kaugnay nito, pinaigting ng DoH ang mga programa at serbisyong medikal para sa evacuees upang masigurong hindi lalala ang sitwasyon sa mga evacuation center.