Authorities presented the two supected drug dealers after they seize 9.5 kilos of Marijuana in a buy bust operation in Paco Maynila before dawn. ( Jun Arañas )
Authorities presented the two supected drug dealers after they seize 9.5 kilos of Marijuana in a buy bust operation in Paco Maynila before dawn. ( Jun Arañas )

Ni MARY ANN SANTIAGO

Arestado ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng 9.5 kilo, na tinatayang nagkakahalaga ng R70,000, ng marijuana sa buy-bust operation sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Sonny Boy Agucay, 27, at Gilbert Rosales, alyas Imbet, nasa hustong gulang at siya umanong target ng operasyon.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa ulat, inaresto ang mga suspek ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District (MPD)-Station 10, sa pangunguna ni Police Senior Insp. Val Valencia, sa bahay ng mga ito sa Barangay 814, Zone 88, dakong 12:30 ng madaling araw.

Nagpanggap na buyer ng ¼ kilo ng marijuana ang isang pulis at nang makabili sa mga suspek ay agad na silang pinosasan.