NEW YORK (AP) — Naghahanap ng 10,000 New Yorker na handang magbahagi ng kanilang mga personal information, mula sa cellphone location at credit-card swipes hanggang sa blood samples at life-changing events. Sa loob ng 20 taon.

Naghahanda na ang mga mananaliksik na simulan ang pangangalap ng mga partisipante para sa napakalawak na pag-aaral na tinawag na “The Human Project.” Layunin nitong tipunin ang iba’t ibang data streams upang makabuo ng malawak na pang-unawa sa kalusugan, pagtanda, edukasyon, at marami pang aspeto ng buhay.

“That’s what we’re all about: putting the holistic picture together,’’ sabi ni project director Dr. Paul Glimcher, neural science, economics at psychology professor sa New York University.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang mga kalahok sa $15 million-a-year Human Project ay isasalang sa maraming tests mula sa blood hanggang genetics at IQ. Hihilingin sa kanila ang access sa kanilang medical, financial at educational records, gayundin ang cellphone data tulad ng lokasyon at bilang ng kanilang pagtawag at pag-text. Bibigyan din sila ng wearable activity trackers, special scales, at surveys sa pamamagitan ng smartphone. Hihilingin sa kanila ang follow-up blood at urine tests, at fecal sample kada tatlong taon.