Ni: Marivic Awitan

NAKATAKDANG maglaro si Pacharee Sangmuang, isang Thai player na tatlong taon nang naninirahan sa Pilipinas, para sa koponan ng Power Smashers sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference na magsisimula sa Hulyo 1.

Ayon kay Power Smashers coach Nes Pamilar, si Sangmuang na dating Thailand national team captain ay pinayagang makalaro sa All Filipino Conference ng liga dahil nakakuha ito ng Alien Certificate of Residence (ACR) noong 2014.

Ang 39-anyos na si Sangmuang ang ikalawang foreign player na pinayagang lumaro sa liga kasunod ni Amy Ahomiro na isang Kiwi national na lumaro sa Bali Pure Water Defenders noong isang taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“She has been living in the country since 2014 and she has an ACR to back that up. She goes back to Thailand from time to time but most of the year, she’s here,” ani Pamilar patungkol sa 5-11 wing spiker.