Ni: Gilbert Espeña

NAKAtAKDANG ipagtanggol ni WBO Oriental super bantamweight titlist Jack Tepora ang kanyang titulo at world ranking laban sa mapanganib na si Mexican junior featherweight champion Emmanuel “Veneno” Domínguez sa Hulyo 7 sa Island City Mall sa Tagbilaran, Bohol.

Ayon sa promoter ni Tepora na si Pio Paulo Castillo ng Omega Gym ng Cebu, pinili nila si Dominguez upang matiyak kung handa na sa malalaking laban ang kanyang alagang boksingero na nakalistang No. 12 contender kay WBO super bantamweight champion Jessie Magdaleno ng United States.

Pinakamalaking naging biktima sa knockout ni Dominguez si dating interim WBO bantamweight champion Alejandro “Payasito” Hernandez na pinatulog niya sa 4th round para matamo ang Mexican title.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“That’s why Filipino boxing fans should really back up Tepora in his battle against this poisonous Mexican from Aguascalientes who is coming to Bohol”, diin ni Castillo.

“Most definitely, this Mexican ‘Veneno’ Dominguez is a risk.”

“But it’s also the chance to move Jack Tepora, 24, up to a next fighting level,” dagdag ni Castillo hinggil kay Tepora na may perpektong 20 panalo, 15 sa knockouts.

Sinasanay si Dominguez ni dating Mexican boxing great Alfonso Zamora at may kartada itong 21-5-2 na may 13 panalo sa knockouts.

Gayunman, kumpiyansa si Castillo na mapapagsak ng kanyang alaga ang Mexcican.