Ni: Rommel P. Tabbad

Biyaheng France na si Senador JV Ejercito para sa isang official visit sa Hunyo 27 hanggang Hulyo 3 matapos aprubahan ng 6th Division ang kanyang motion to travel.

Hinihintay na lamang ng korte ang ilang dokumento na dapat isumite ng senador, kabilang na ang travel authority mula sa Office of the Senate President at ang official itinerary nito.

Sa kanyang mosyon, nilinaw ni Ejercito ang layunin ng kanyang biyahe na makikipagpulong sa ilang miyembro ng French Senate, France-Southeast Asia Inter-Parliamentary Group at sa French Constitutional Council.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nahaharap si Ejercito sa kasong technical malversation sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y maanomalyang pagbili ng P2.1 milyon armas bilang alkalde ng San Juan City.