Ni: Roy C. Mabasa

Inihayag ng Philippine Embassy sa London na ang Pilipina na kabilang sa mga iniulat na nawawala matapos ang sunog sa Greenfell Tower sa Kensington sa west London ay isinama ng pulisya sa listahan ng mga ipinapalagay na namatay sa trahedya.

Ayon sa embahada, itinuturing na ngayon na isa si Ligaya Moore sa mga namatay na biktima sa sunog noong Hunyo 14 dahil hindi siya natagpuan sa kabila ng matinding paghahanap ng Metropolitan Police at ng Filipino community saLondon.

“Her next of kin have been informed,” sabi ng embahada sa mensahe na ipinaskil sa official Facebook account nito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Our thoughts go out to her family and loved ones as we hope for the recovery of her mortal remains.”

Ilang Pilipino pa ang iniulat na nasugatan o naapektuhan ng nasabing sunog. Sa huling tala, 58 katao na ang namatay sa insidente.