Ni Aaron B. Recuenco

Kung susuyurin lamang ang pinanggalingang angkan ng kanyang ama, malalaman na mayroong magkaparehong dugo na nanalaytay sa mga ugat ng pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal at ni Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Pero malayo mang kamag-anak o wala talagang anumang kaugnayan, matagal nang itinuturing ni dela Rosa ang sarili na inapo siya ng pambansang bayani na ang mga sinulat ay nagpasimula ng rebolusyon sa Pilipinas laban sa pamahalaan ng Espanya.

150617_Dela Rosa MB HotSeat_02_Ganzon copy

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“If you would research, you would see on his family tree under his mother side, that one of his grandmothers was Inez dela Rosa. So that’s what I have been capitalizing in claiming that I am a descendant of Jose Rizal,” sabi ni dela Rosa sa isang interview.

Inihayag niya na natuklasan niya ito nang magkaroon siya ng field trip noong high school siya sa Dapitan City (na pinagtapunan kay Rizal) sa Zamboanga del Norte.

“Since then, when I still have hair, I would always try to copy his hair style,” sabi ni dela Rosa.

Kahapon, binigyan ng ‘homecoming’ si dela Rosa nang imbitahan siya bilang panauhing pandangal at tagapagsalita para sa 156th Birth Anniversary of Dr. Jose Rizal sa ancestral house sa Calamba City, Laguna.

Binigyang-diin niya na kailangang tularan ng bawat Pilipino ang pagmamahal sa inang bayan na ipinakita ni Rizal.

“Every Filipino is very proud of our national hero, especially that it just so happen that he was a descendant of a Dela Rosa so I have been claiming that he was my relative,” sabi ng PNP Chief. “I am very proud of that, ipinagmamayabang ko ‘yan.”

Nang tanungin kung ano ang mga katangian na maaaring namana niya kay Rizal, sinabi ni dela Rosa na natitiyak niyang hindi ang katalinuhan.

“Hindi naman tayo kasing talino ni Rizal,” sabi ni dela Rosa na noon pa sinasabi na average student lang siya na nakapasa sa Philippine Military Academy (PMA) dahil sa kanyang determinasyon na makakuha ng scholarship at ang kanyang dedikasyon na maglingkod sa bansa.

Pero sinabi niya na mayroong isang katangian na hindi niya pinagdududahan na nakuha niya kay Rizal, at ito ay ang pagmamahal niya sa bansa.

“Mahal na mahal ko ang bayang Pilipinas that I am willing to die for this country. So siguro ‘yun ang namana ko sa aking ninuno,” ani dela Rosa.