Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Nagbukas ng dalawang special bank account ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga nagnanais magpaabot ng tulong sa mga pamilyang naulila ng mga sundalong nakikipagsagupaan sa Marawi City at para sa mga tagalungsod na inilikas dahil sa patuloy na bakbakan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nagbukas ng dalawang special bank account ang AFP sa Land Bank of the Philippines bilang tugon sa mga taong nais tumulong sa Internally Displaced Persons (IDPs) o evacuees at sa pamilya ng ating mga tropa na napatay sa gitna ng bakbakan sa Marawi City.

Sa mga nais tumulong sa pamilya ng mga nasawing sundalo, ang account name ay AFP Marawi Casualty; ang account number ay 00000552107128.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sa mga nais tumulong sa IDPs, ang account name ay Marawi IDP (For Internally Displaced Persons) - 00000552107136.

At para maging malinis at malinaw, sinabi ni Abella na isasapubliko ng AFP ang halaga ng donasyon at mag-a-update rin sa ‘Mindanao Hour’ press briefings tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.

Ayon sa Palace official, maaaring tumawag ang mga donor kay Lt. Commander Rose Abud sa numerong 0928-2643337 upang ipaalam sa AFP ang kanilang idineposito, kung saang sangay ng bangko, kung kailan, oras, at ang halaga.

Samantala, nilinaw ni AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na ang pagbubukas ng dalawang bank account para sa donasyon ay hindi nangangahulugan na kulang ang pondo ng gobyerno.

Ipinagdiinan ni Padilla na nagbukas ng bank accounts ang AFP dahil sa kahilingan ng mga taong nais tumulong sa IDPs at sa pamilya ng KIA soldiers.

“Ito pong ibinibigay ninyong tulong is over and above doon sa ibibigay ng ating pamahalaan at ng Armed Forces,” ani Padilla.

BISITAHIN SILA

Hinikayat din ng military official ang publiko na bisitahin ang mga sugatang sundalo sa mga ospital at personal na tanungin kung ano ang kanilang kailangan.

“We’re open to having our citizens come over and lift up their spirits. You just have to coordinate with our personnel,” aniya.

“They would appreciate your visit and it may be better if you ask them what they would really appreciate rather than bringing something that is over and above already of what they have been getting,” dagdag ni Padilla.