LAS VEGAS (AP) — Sa pagkakataong ito, walang pagdududa ang panalo ni Andre Ward.

Andre Ward, right, hits Sergey Kovalev  (AP Photo/John Locher)
Andre Ward, right, hits Sergey Kovalev (AP Photo/John Locher)
Pinulbos ni Ward si Sergey Kovalev para sa technical knockout win sa ikawalong round nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa kanilang light heavyweight title rematch.

Tuluyang pinaekis ng walang talong si Ward ang mga tuhod ni Kovalev sa isang matinding kanang suntok. Matapos makorner, kaagad na pinaliguan ng kombinasyon ni Ward ang karibal, sapat para ideklara ni referee Tony Weeks ang pagtatapos ng laban may 2:99 sa eight round.

"I knew this time it was going to be different," pahayag ni Ward.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Dikit ang laban sa kaagahan ng round at nagawang makaabante sa puntos ni Kovalev (30-2-1), ngunit nakabawi si Ward (32-0) at tuluyang kinuha ang panalo sa malalakas na suntok.

Nagwagi si Ward sa kanilang unang pagtatagpo nitong November sa kontrobersyal na desisyon matapos mapabagsak ni Kovalev sa ikalawang round. Sa pagkakatong, ito tuluyang napawi ang pagdududa sa kanyang dominasyon.