DAVAO CITY – Sasabak ang Team Amihan ng Mati City sa 1st Mayor Tina Yu Bugsayan Kayaking Festival sa Hunyo 23- 25 sa San Isidro, Davao Oriental.

Pinangangasiwaan ni coach Jun Plaza, ang Team Anihan ay binubuo nina Winston Plaza, Iyai Magbago, Peter Ocdenaria, Mani Dalamas, Ronad Paulino, Lang-Lang Apordo at Ebebz Cose.

Mapapalaban sila sa Male Singles, Female Singles, All-Male Tandem, All-Female Tandem and Mixed Tandem categories ng kayaking competition.

"Team Amihan is one of the early favorites for dominating the last kayak race held in Davao City," sambit ni race director Danilo "Jun" Bacus, pangulo ng organizing Bugsay Dabaw.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Kabilang din sa magpapamalas ng kahusayan ang CARE Group, Team Hadams ng Digos City, Gabon, Trimmoc, LAPUK at Team Mosaca ng Davao City.

Bukod sa kayaking, sasabak naman sa dragon boat competition ang Hiraya Minokawa, Base Camp, Kampilan at Dragon Warriors.

Inorganisa ang tatlong araw na torneo ng Bugsay Dabaw at Municipal Government ng San Isidro upang maibida ang katangian at talento ng mga lokal boatmen sa kayaks, Bangka at Vinta boats.

Itinataguyod ang torneo ng Mindanao Mountaineering Community (MMC), Mountaineering Federation of Southern Mindanao (MFSM) at Hamiguitan Mountaineering Club (Hamocs) ng San Isidro. - PNA