ni Marivic Awitan
Idaraos sa darating na Hulyo 16 ang unang PTT Run for Clean Energy sa Cultural Center of the Philippines (CCP) Grounds sa Pasay City.
Ang nasabing event ay isang adbokasiya na naglalayong i-promote ang malinis na enerhiya, sa mga lansangan, sa mga tahanan at maging sa lugar na pinaglilingkuran.
“Humans strive to save the planet in every which way they can and this includes in the power and energy that we use in our cars, industries and homes,” pahayag ni PTT Run for Clean Energy Project Director Matt Ardina.
“And PTT is a perfect partner in achieving this. PTT is at the forefront of promoting clean energy through its Blue Innovation Technology and is perfect for such an advocacy run as its fuels release less black smoke and the emitted exhausts are now nano particles (the tiniest size).”
Ang proyekto ay magkakatulong na sinusuportahan ng Chris Sports, Philippine Charity Sweepstakes Office, Leslie's, Emilio Aguinaldo College, Science in Sport, Medicard Foundation, Philippine Red Cross, Business Mirror at Business Mirror Health and Fitness Magazine.
Hangad din nitong maipakita ang kapangyarihan ng pinagsanib na kapasidad gamit ang sports bilang pangunahing pamamaraan upang makapagbigay ng kaukulang impormasyon tungkol paggamit ng clean energy.
May tatlong kategorya ang karera na kinabibilangan ng 10 kilometer, 5 k at 3 k na may nakatalagang registration fees na P500, P300 at P220, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Ang top three male at female runners sa 10k at 5k ay may nakalaang mga cash prizes at medals habang lahat ng runners ay may pagkakataong magwagi ng mga raffle prizes.
Para sa mga gustong lumahok, maaaring magpatala sa Chris Sports SM Manila at maging sa mismong araw ng patakbo sa CCP Grounds.
Para sa mga kaukulang detalye, maaaring tumawag sa mga sumusunod na numero-. 09182392009, 09953248315, at landline 9759584.