Ni ADOR SALUTA

PREMIERE telecast na ngayong gabi sa ABS-CBN Primetime Bida ang epic-seryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Richard Gutierrez
Richard Gutierrez
Ito rin ang kauna-unahang proyekto ng pinakabagong Kapamilya actor na si Richard Gutierrez.

Ayon sa pamilya Gutierrez, big day sa kanila ang June 19 dahil ito ang pilot episode ng La Luna Sangre. Natutuwa rin ang pamilya ni Richard na naging bahagi ang aktor ng powerhouse cast ng epic-serye.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Para ipakita ang kanilang suporta kay Richard sa June 19, kinansela ng pamilya Gutierrez ang lahat ng kanilang mga lakad. Sama-sama raw silang manonoood sa bahay ng pilot episode ng La Luna Sangre.

Matagal bago ulit nakagawa ng serye si Richard at ang La Luna Sangre ang magsisilbing comeback niya sa primetime TV.

Gagampanan ni Chard ang role ni Sandrino na hari ng mga bampira na magiging mortal na kalaban ng “itinakda” (sa mundo ng mga lobo) na ginagampanan naman ni Kathryn.

Sey ni Richard nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang project na idinidirek ni Cathy Garcia-Molina, “I’d be stupid to refuse.”

Kasamang mapapanood ni Richard sa pilot week sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Sa second week naman papasok ang mga karakter nina Kathryn at Daniel.

Gusto na rin ba niyang maging kontrabida tulad ng daddy niyang si Eddie Gutierrez?

“I honor my dad and his work, but when a project like this comes along and you were challenged as an actor and I see this is a potential for me to grow as an actor, I will truly accept it.

“To be in the number one network right now, to be in a big show like this and and to be challenged, I accept the challenge, so that’s my part,” pagtatapos ng aktor.