LOS ANGELES – Nagawa niyang maging sporting icon sina Muhammad Ali at Manny Pacquiao. Ngayon, naniniwala si US promoter Bob Arum na magiging malaking pangalan si Australian champion Jeff Horn sakaling magapi niya ang Pinoy eight-division world champion.

Pacquiao Bradley BoxingAt naniniwala siyang, hindi ito malayong mangyari.

“Jeff is the underdog but boxing history is full of upsets,’’ pahayag ni Arum “Can you imagine the worldwide media Jeff will get if he beats Pacquiao?, sambit ng pamosong promoter na nagdala kay Pacquiao sa pedestal bunsod nang malalaking laban sa international scene.

May nalalabi pang kontrata si Pacquiao sa Top Rank ni Arum hanggang sa pagtatapos ng taong kasalukuyan.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Matapos maunsiyama ang isa pa sanang ‘blockbuster deal’ sa UAE kontra kay Khan, naisaayos ni Arum ang title defense ni Pacquiao sa kanyang World Boxing organization (WBO) welterweight title laban kay Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium.

Sa edad na 85-anyos, ang Harvard-trained lawyer na si Arum ay tinatayang may yamang US$400 milyon.

Bukod sa pagiging counsel sa yumaong US resident John F. Kennedy noong dekada 60, naging promoter si Arum sa malalaking laban nang pinakamalalaking pangalan sa kasaysayan ng boxing tulad nina Ali, Pacquiao, Joe Frazier, Marvin Hagler, Sugar Ray Leonard, Roberto Duran at Floyd Mayweather.

Ang Horn-Pacquiao fight ang ikalawang promotion ni Arum sa Brisbane boxing. Noong 1989, naipromote niya ang title defense ng noo’y world champion na si Aussie Jeff “Hitman’’ Harding kontra Englishman Tom Collins sa Brisbane Entertainment Centre.

Hindi naman itinaggi ni Arum ang pagkadismaya sa kasalukuyang US President na si Donald Trump. Aniya, dinuga siya ni Trump nang maging partner sila sa promotion ng laban nina Evander Holyfield at challenger George Foreman noong 1991.

“He’s a bad, bad guy,’’ pahayag ni Arum.

Sa kanyang karanasan, sinabi ni Arum na si Ali ang ‘greatest teacher in the world’. “Ali was the most courageous person I have ever seen,” aniya.

“He gave up his livelihood for his beliefs. In the 1960s, Ali was not a popular guy ... but when people saw he was a man of conviction and principles, that he was willing to sacrifice everything, he gained tremendous respect around the world.”