DINAIG ng National University Lady Bulldogs ang La Salle Lady Archers para makopo ang titulo sa women’s division ng 23rd Fr. Martin Cup Summer basketball championship nitong weekend sa San Beda campus.
DINAIG ng National University Lady Bulldogs ang La Salle Lady Archers para makopo ang titulo sa women’s division ng 23rd Fr. Martin Cup Summer basketball championship nitong weekend sa San Beda campus.

NANGIBABAW ang National University Lady Bulldogs at San Sebastian College Staglets kontra sa kani-kanilang karibal para makopo ang kampeonato sa women’s at junior division ng 23rd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament.

Pinangunahan ng nagbabalik aksiyon na si Trixie Antiquera ang Lady Bulldogs sa naiskor na 18 puntos tungo sa 76-69 panalo kontra La Salle Lady Archers sa MVP gymnasium ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Ginapi ng Staglets, sa pangunguna nina Adamson transferee Alex Desoyo at big man Damie Cuntapay, ang Letran Squires, 83-80, para sa junior division plum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ikalawang kampeonato sa nakalipas na tatlong taon ng Lady Bulldogs sa torneo na itinataguyod ng Armor On Sportswear.

Ibinaba ng Lady Bulldogs ang 9-0 run, sa pangunguna nina Ria Nabalan at Antiquiera, sa huling tatlong minuto para makuha ang 39-34 bentahe sa halftime.

Naisalpak ni Antiquera ang lima sa anim na three-pointer ng NU sa naturang period bago nakipagbalikatan kina Nabalan at 6’4 Congo cager Rheena Itesi sa third quarter.

Nag-ambag si Nabalan ng 16 puntos.

“We have to stop their shooters, lessen our errors and use our height advantage. The plan went well, And our small guys found openings to shoot,” sambit ni Lady Bulldogs coach Patrick Aquino.

Nanguna sa La Salle si Khate Castillo sa naiskor na 16 puntos.

Nangibabaw naman ang gilas ng 6’5 na si Cuntapay sa nakubrang 15 puntos sa Staglets.

Naitala ng San Sebastian ang pinakamalaking bentahe sa 45-34 sa halftime.

Nagawang makadikit ng Squires, sa pangungun ni Kobe Monje na kumana ng 13 puntos, sa 74-77 tungo sa huling apat na minuto. Ngunit, nagpakakatag ang Staglets para makuha ang panalo.

“The boys showed their maturity. They overcame the rally. They found a way,” sambit ni Staglets coach Mel Banua.