Ni: Rommel P. Tabbad

Problemado ngayon ang mga magsasaka sa Cagayan dahil sa pag-atake ng pesteng “brontispa” sa libu-libong puno ng niyog sa lalawigan, ayon sa Philippine Coconut Authority (PCA).

Kinumpirma ni Vicitation Rivero, agriculturist ng PCA, na halos lahat ng pinagkukuhanan ng niyog sa probinsiya ay pinepeste ng brontispa.

Umapela na ang PCA sa mga magniniyog na mag-spray ng insecticide upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng naturang sakit at mapanatili ang matatag na produksiyon ng niyog sa lalawigan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Taong 2013 nang nakaranas din ng kahalintulad na sitwasyon ang ilang bayan sa North Cotabato, at aabot sa 136,000 puno ng niyog ang naapektuhan.

Ang brontispa ay naninirahan sa dahon ng niyog hanggang sa malanta ito at masira ang bunga, na nagreresulta sa tuluyang pagkamatay ng puno.