TOKYO (Reuters) – Kinumpirma ng US Navy kahapon na natagpuang patay ang lahat ng 7 nawawalang marino ng USS Fitzgerald matapos bumangga ang destroyer sa isang container ship sa karagatan ng Japan nitong Sabado ng madaling araw.

Sibayan [AP] copy

Ang pito ay pawang natagpuan sa binahang berthing compartments matapos ang pagbangga sa Philippine-flagged container ship na ACX Crystal sa timog ng Tokyo Bay.

Kinilala ng US Navy ang mga namatay na sina Dakota Kyle Rigsby, 19, mula Palmyra, Virginia; Shingo Alexander Douglass, 25, ng San Diego, California; Ngoc T Truong Huynh, 25, ng Oakville, Connecticut; Noe Hernandez, 26, ng Weslaco, Texas; Carlos Victor Ganzon Sibayan, 23, ng Chula Vista, California; Xavier Alec Martin, 24, ng Halethorpe, Maryland; at Gary Leo Rehm Jr., 37, ng Elyria, Ohio.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Natutulog ang karamihan ng crew nang maganap ang banggaan, sinabi ni Vice Adm. Joseph P. Aucoin, ang commander ng US Navy’s Seventh Fleet nitong Linggo.

Samantala, ayon sa ibang mga ulat, si Sibayan na lumaki sa southern California, ay nagmula sa Pasay City at apat na taon na sa US Navy.