ni Roy C. Mabasa

Itinalaga ni Queen Elizabeth II si British Ambassador to Manila Asif Ahmad bilang Companion of the Order of St Michael and St George, isa sa pinakamataas na uri ng pagkilala ng Her Majesty para sa serbisyo sa Foreign at Commonwealth affairs.

Ayon sa British Embassy sa Manila, kikilalanin na ngayon ang pinakamataas na British diplomat sa Manila bilang Asif Ahmad CMG.

Ang Most Distinguished Order of Saint Michael and Saint George ay nagsimula noong 1818, sa motto na “Auspicium Melioris Aevi” (Token of a better age). Ang mga ranggo ng Order ay: Knight/Dame Grand Cross, Knight/Dame Commander at Companion (CMG).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nagpasalamat si Ambassador Ahmad sa karangalang ibinigay sa kanya ng reyna. “I owe this appointment to people who have nurtured and developed me over the years,” aniya sa pahayag. “As a member of the Diplomatic Service, my colleagues in the Foreign and Commonwealth Office and in my teams in Thailand and the Philippines have played a substantial part in working with me to deliver positive outcomes for the United Kingdom.”