ni Francis T. Wakefield

Naghandog ng pasasalamat si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año sa magigiting na miyembro ng militar, lalo na sa mga ama na nasa Marawi City at sa iba pang bahagi ng bansa na nakikipagsagupaan sa mga terorista at iba pang mga kalaban.

Sa kanyang mensahe para sa lahat ng sundalo kahapon, Father’s Day, sinabi ni Año na ang militar ang pinakamapanganib na trabaho dahil karamihan sa mga sundalo ay ipinadadala sa lugar na may kaguluhan.

Katunayan, libu-libong sundalo ang kasalukuyang nasa Marawi City, Basilan at Sulu at nakikipagbakbakan sa Maute Group, Abu Sayyaf at sa iba pang lokal na terorista na nangingidnap, pumapatay, at nagsasagawa ng iba pang kaharasan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa report mula sa AFP, napag-alaman na 59 na sundalo at pulis na ang napatay simula nang atakehin ng mga terorista ang Marawi City.

“Perhaps nobody can appreciate Father’s Day better than the children of soldiers who understand that every day that their fathers stay alive is a blessing,” ayon kay Año.

“Soldiers do secure the lands so that all other fathers in the country may be able to celebrate Father’s day with their families peacefully.

“To a gallant soldier as you are, Happy Father’s day to everyone and God bless you!” sabi pa ni Año.