Ni: Nitz Miralles

NAGLABAS ng statement ang GMA Artist Center tungkol sa pagpirma ni Ryza Cenon ng management contract sa Viva Artist Agency.

Naririto ang statement: “Ryza Cenon is no longer being managed by GMA Artist Center. Though her management contract has expired early this year, she is still part of GMA’s very successful afternoon prime series Ika-6 na Utos, which has been extended several times already. We wish Ryza well in her future endeavours.”

Nakapirma sa statement si Gigi Santiago-Lara, senior assistant vice president for alternative productions.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi na nakakagulat ang pagkalas ni Ryza sa GMAAC dahil sa mga nakaraan naming interview sa kanya tuwing nadadalaw kami sa taping ng Ika-6 na Utos, nababanggit na niya na marami pa siyang gustong gawin sa kanyang career. Isa rito ang paggawa ng mga pelikula, kaso nga nagpapahinga ang GMA Films.

Sa pinirmahan niyang kontrata sa Viva, 10 pelikula ang kanyang gagawin.

Anyway, ayon sa source namin sa Siyete ay mahaba pa ang tatakbuhin ng Ika-6 na Utos, matagal pang kaiinisan ng viewers ang karakter ni Ryza na si Georgia. Matagal pa siyang hahadlang sa pagbabalikan nina Rome (Gabby Concepcion) at Emma (Sunshine Dizon).