Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Sa kabila ng kumakaunting bilang ng mga terorista sa Marawi City, Lanao del Sur, inihayag ng Malacañang na mananatili ang batas militar sa Mindanao hanggang sa matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ito ay matapos na iulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbawi sa mga mas estratehikong vantage point na dating kontrolado ng Maute Group.

“As far as the Palace is concerned, the Executive branch wishes for all of this to end as soon as possible,” sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella kahapon sa ‘Mindanao Hour’ press briefing sa Radyo ng Bayan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“However po, ang bottomline pa rin po ng martial law is public safety. Public safety as mandated by the Constitution,” dagdag niya.

“The provision of the Palace will be benchmarked po upon the agreement on whether or not public safety is already sufficiently guaranteed,” ani Abella.”Therefore, the schedule po for the lifting of martial law is whether or not it is already totally, completely guaranteed or sufficiently guaranteed for the safety of the general public or not.

“So, hindi po natin binibigyan ng timeline ‘yan. Ang atin pong indicator ay whether safe na po talaga ang publiko,” sabi pa ni Abella.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na tatalima siya sa anumang magiging pasya ng Korte Suprema tungkol sa idineklara niyang martial law.

Nakatakdang ilabas ng Korte Suprema sa Hulyo 5 ang desisyon nito tungkol sa pagiging valid ng batas militar.