Ni: Jonathan M. Hicap

Nadiskubre ng mga awtoridad ang ilang baril, mga bala at patalim sa pagsalakay sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City kahapon.

Nagsagawa ng raid ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa bisa ng manifesto of support ng mga bilanggo laban sa mga kontrabando sa pambansang piitan, alinsunod sa “Oplan Pagbabago.”

Sinabi ni BuCor Director General Benjamin Delos Santos na sa paghahalughog sa Quadrant 3 ng Bahala na Gang (BNG) sa NBP ay nakakumpiska sila ng isang .45 caliber pistol, isang .22 caliber pistol, isang magazine, 12 rounds ng bala ng .22 caliber pistol, 47 rounds ng 12-gauge ammunition, isang sumpak, at 33 patalim.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Ang mga nabanggit na kontrabando ay nakatanim sa ilalim ng lupa.

Sa raid sa kaparehong lugar sa NBP nitong Miyerkules, nakadiskubre ang awtoridad ng pitong cell phone, isang booster unit, six rounds ng 12-gauge ammunition, 21 patalim at iba’t ibang communication gadgets.