LAS VEGAS (AP) – Posibleng umabot sa US$1 billion ang kikitain sa pay-per-view ng laban ng undefeated boxing champion na si Floyd Mayweather, Jr. at ng UFC mixed martial arts champion na si Conor McGregor.
Ayon sa isang financial analyst na hindi bahagi sa promotion team ng laban, walang dudang papatok sa takilya ang laban, lalo na kung maibebenta nang tama.
“With these two guys and the hype that’s already surrounding the fight, it’s not out of the question they could get 10 million buys at about $100 a buy,” pahayag ng naturang analyst sa panayam ng Philboxing.com.
Aniya, umabot sa 4.4 na milyon ang busy ng PPV sa laban ni Mayweather at ng Filipino eight-division world champion na si Manny Pacquiao noong Mayo 2015. May sariling audience naman ang UFC, gayundin si McGregor, na magpapataas sa PPV.
“Those are all boxing fans, who will probably buy this fight, and if you add the MMA fans and their reverence for McGregor, that’s another 2-3 million, and then you’ve got people who don’t really follow boxing or MMA and just want to see a spectacle. Maybe that’s another million. So if the pay-per-view is $100-125 then that’s going to push a billion.”
Wala pang opisyal na halaga para sa pay-per-view, ayon sa tagapagsalita ng Showtime ni Mayweather, ang naatasang magbenta ng laban na itinakda sa Agosto 26.
Naibenta ang Mayweather-Pacquiao sa pay-per-view sa US$99 para sa high definition. Wala pang naibenta ang UFC event na lagpas sa US$59.99, ngunit naniniwala si UFC President Dana White na mahahawakan nang maayos ng Showtime at ng Mayweather Promotions ang laban.
“Obviously, you can’t charge what you would normally charge for a pay-per-view,” pahayag ni White.
Nananatili ang laban nina Mayweather at Pacquiao na may pinakamalaking kinita sa kasaysayan ng pro boxing sa halagang US$500 million.
Iginiit naman ni Stephen Espinoza, executive vice president at general manager ng Showtime Sports, na hindi sila maglalagay ng hangganan sa revenue ng Mayweather-McGregor fight.