SUMAMBULAT ang ngitngit nang paghihiganti ni Ben Mbala sa nakubrang 45 puntos, 17 rebound at tatlong block para sandigan ng De La Salle sa impresibong 93-77 panalo kontra Letran nitong Biyernes sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup.
Bunsod ng panalo ng San Beda sa Ateneo, 82-67, sa ikalawang laro, nasiguro ng Green Archers ang quarterfinal slot tangan ang 5-3 karta. Nasibak ang Blue Eagles na may 4-4 karta.
Naisalpak ng reigning UAAP MVP ang 16-of-20 sa field at 13-of-16 sa free throw line para sa determinadong pagtatapos ng La Salle sa elimination round.
“Maganda ang nilaro namin at may konting suwerte sa chances,” pahayag ni La Salle Coach Aldin Ayo.
Nag-ambag si Ricci Rivero sa La Salle sa naiskor na 17 puntos, limang rebound, tatlong assist, limang steal at dalawang block.
Nanguna sa Letran si Jerick Balanza, na may 22 puntos,.
Kinumpleto naman ng Red Lions ang dominasyon sa elimination round para manguna sa quarterfinal phase na may 8-0 karta.
Hataw si Robert Bolick sa Red Lions sa naiskor na 27 puntos,
Iskor:
(Unang laro)
La Salle - 93: Mbala, 45; R. Rivero, 17; Melecio, 8; Santillan, 8; Baltazar, 5; Tratter, 4; Capacio, 3; Gonzales, 2; Caracut, 1; Go, 0; Tero, 0.
Letran – 77: Balanza, 22; Quinto, 14; Calvo, 14; Ambohot, 8; Vacaro, 6; Caralipio, 4; Balagasay, 3; Taladua, 3; Pascual, 2; Gedaria, 1; Pamulaklakin, 0; Bernabe, 0; Mandreza, 0; De Villa, 0.
Quarter scores: 20-16, 45-32, 72-54, 93-77
(Ikalawang Laro)
SBC – 82: Bolick, 27; Mocon, 9; Soberano, 9; Doliguez, 7; Bahio, 7; Toba, 6; Carino, 6; Cabanag, 5; Presbitero, 2; Potts, 2; Adamos, 2; Tongco, 0; Abuda, 0; Noah, 0; Ejercito, 0.
ADMU – 67: Verano, 12; Asistio, 9; Black, 7; Go, 5; Tio, 5; Ravena, 5; Ikeh. 5; Ma. Nieto, 5; Tolentino, 5; Mendoza, 4; Porter, 3; White, 2; Andrade, 0; Mallillim, 0.
Quarters: 21-10, 44-25, 63-48, 82-67.