Ni: Mary Ann Santiago

Isang bloodletting activity ang ikinasa ng Archdiocese of Manila para sa paggunita sa ika-60 kaarawan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Miyerkules, Hunyo 21.

Sa isang liham ng archdiocese para sa mga empleyado nito, seminary at parish personnel, at Human Resource Development Department (HRDD), umapela ang Roman Catholic Archbishop of Manila (RCAM), ng suporta at blood donation para sa naturang aktibidad, na maaaring makapagligtas ng buhay at makatutulong sa maraming nangangailangan ng dugo.

Ang blood donation activity ay idaraos simula 8:30 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa ikaapat na palapag ng Arzobispado Building sa 121 Arzobispo Street sa Intramuros, Manila, sa tulong ng mga tauhan ng Philippine Red Cross (PRC).

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador